Bitaw na

Oktubre 7, 2016

tumblr_nmhnxmz92n1tiyj7vo1_500

Bitaw na hanggang kaya pa.

Ngayon, hindi ko nagawang pigiglan ang sarili kong magparamdam sayo. Hindi ko napigilan ang sarili kong panghawakan ulit ang mga ala-alang ako na lang ata ang nakakaalala. Hindi ko nagawang magpakatigas katulad mo. Hindi ko nagawang kalimutan ka katulad ng paglimot mo.

Pasensya.

Mahal lang talaga kita.

Sa muli nating pag-uusap, bawat pangungusap na binuo, bawat letrang binigyan ng kahulugan, alam ko na may nagbago; isang napakalaking pagbabago. Masakit? Tangina oo. Ang lamig ng bawat sagot mo. Tila ba napilitan ka lang sagutin ang mga mensahe ko. Wala na yung saya sa bawat sagot mo. Wala na yung mga kwento mong nagbibigay sa buhay sa araw kong lumipas na parang wala lang.

Nag-iba na.

Nawala na.

Nawala ka.

At nakita kita sa di inaasahang pagkakataon. Nakita kita sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Nakita kita at salamat dahil hindi nagtagpo ang ating mga mata.

Natakot ako.

Tumalikod.

Nagtago sa sulok at di na muling babalik pa sayo. Pinapangako ko yan sa’yo. Itaga mo sa bato na hindi na ako muli pang magpaparamdam.

Hindi na.

Hinding-hindi na kasi ayaw mo na.

Alam kong ayaw mo na.

Oo, ramdam ko.

Oo, hindi ako manhid katulad mo.

Manhid ka nga ba? O wala ka lang talagang pakialam sa nararamdaman ko?

Advertisements

One thought on “Bitaw na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s